Friday, February 2, 2007

romansa't reggae

kahapon. mga 4pm ata yun. nakatambay ako sa may back gate at nag oobserve sa kabilang side, maraming tao grabe. as in soliiid!hahahaha.anyway, habang nag hihintay ng time at so-smoke at umiinom ng c2, in short umiisteadylax lang sa isang tabi, napansin ko ang aking kaibigan na kumakaway at pinapatawid ako. sabi ko sa sarili ko, "shet pilay ako medyo mabagal ako neto..." pero tuloy pa rin ako.

kasama nya ang kanyang kapatid ang mangilan ilan na mga amiga. nag kwentuhan kame for a bit, bla bla bla...sabi ko test muna ko, bla bla bla.. nag test ako wow ang dali meyn!sobra, hahaha(sana pasado). pag tapos nun ay bumalik ako sa back gate at stumeadylax nang muli. since mag isa ako, cool lang ako dun.ang lamig pa, hehehe.

ayun nanaman sya!break on through to the other side muli ako. at guess what, pinapasok ako sa kanilang school!wow! may dala akong ipod, rumereggae at sumesteadylax habang hinihintay ang aking kaibigan. dumaloy na ang reggae sa dugo at doon na nagsimula ang lahat. tila'y nabulag at nasilaw ako sa isang dalaga na kanyang amiga. nagkausap kami for a bit, medyo busy, pero ok lang. pag nakabawi ako mag rereggae-an kami magdamag!unfortunately, saglit lang ang mga oras na pagsasama namin. pero ang dalagang iyon ang magiging parte ng ka reggae-an o rock n roll na buhay na ito. salamat sa panginoon at nagbaba siya ng anghel na ganon. HAHAHA. You shook me all night long!YEAH! dito na lang muna. PEAAAACE.