Wednesday, January 31, 2007

bilog nanaman ang buwan.

kabilugan nanaman ng buwan at ang hangin ay ubod ng lamig. tila ang mga tao'y wala nanaman sa kanikanilang mga sarili. kagabi lamang, habang ako'y pauwi kasama ang ilang tropa at ang aking kapatid, mayroong isang taxi driver na nag isnap!o sa aming mga terminolohiya ay pumitik! grabe siya. kapwa taxi driver ang pumatol sa kanya.

nag sigawan sila "gag-oooh ka!!" ayon, animo'y nagkawalaan na ng pasensya. hindi ba nila naisip na bigayan lang ang kailangan?pantay pantay lang dapat tayo at walang lamangan. dahil sa kabilugan ng buwan ay magkakaibahan na nang pananaw ang mga indibidwal at mabuti na, na sa positibong enerhiya ibuhos ang mga ito kaysa makipag murahan. iyon ang naisip naming magkakasama nang gabing iyon. ang huling gabi ng enero.

ang huling payo ko lang, punuin ng enerhiya sa umaga at pag sapit ng dilim ay umi-steady na lamang, napaka epektibo mga kaibigan. hanggang dito na lamang, reggae kapatid.peace.kapayapaan.

Monday, January 29, 2007

medical benefits of reggae

last sunday, nagbasketball ako. super out of line kasi hindi naman steady ang sport na iyon.dapat nag swimming na lang ako or nag chess para naman steadymac diba?anyways, habang naglalaro ako'y sumalaksak at sinabayan ako ng isang monster na ubod ng laki. pasok ang shot, ngunit ako'y natapilok ay bumigay ang aking tuhod na dati ng injured. bad fall nga daw sabi ng mga tao. technically, "disabled" ako diba?pero wala sakin yon.

habang pinapapahinga ang aking tuhod na tinira ng monster ako'y nagsounds, nagrarakrakan ang mga tao sa kwarto, shet sabe ko ang stress neto sa aking tuhod at ulo. kaya naman nag request ako ng sounds ng reggae. uminom kami saglit at sumindi ng ilan bago nagsimulang chumill. maya maya ay guminhawa ang aking tuhod sa sakit at medyo nakakagalaw galaw na ako.

feeling ko reggae ang naging susi ng paghilom ng aking natapilok na tuhod. kaya highly recommended sa inyo to, si bob marley, big mountain, peace pipe, at marami pang iba. download nyo!any track ng mga artist na binigay ko, napaka steady.

ikaw ba'y nasaktan?bigo sa pagibig?o kaya'y tamang nababato lang? humanap ka ng reggae at stumeady sa isang tabi kasama ang ilang beer o kaya'y c2 or whatever plus cigarettes plus kung anong makakain. wow. steadymac. yan ang medical benefits of reggae, bagamat di ako doktor, EPEKTIBO TO.PEACE.