Wednesday, January 31, 2007

bilog nanaman ang buwan.

kabilugan nanaman ng buwan at ang hangin ay ubod ng lamig. tila ang mga tao'y wala nanaman sa kanikanilang mga sarili. kagabi lamang, habang ako'y pauwi kasama ang ilang tropa at ang aking kapatid, mayroong isang taxi driver na nag isnap!o sa aming mga terminolohiya ay pumitik! grabe siya. kapwa taxi driver ang pumatol sa kanya.

nag sigawan sila "gag-oooh ka!!" ayon, animo'y nagkawalaan na ng pasensya. hindi ba nila naisip na bigayan lang ang kailangan?pantay pantay lang dapat tayo at walang lamangan. dahil sa kabilugan ng buwan ay magkakaibahan na nang pananaw ang mga indibidwal at mabuti na, na sa positibong enerhiya ibuhos ang mga ito kaysa makipag murahan. iyon ang naisip naming magkakasama nang gabing iyon. ang huling gabi ng enero.

ang huling payo ko lang, punuin ng enerhiya sa umaga at pag sapit ng dilim ay umi-steady na lamang, napaka epektibo mga kaibigan. hanggang dito na lamang, reggae kapatid.peace.kapayapaan.